REDHORSE

REDHORSE
Ni: Kenneth Vincent Ching

Nais kong makalimot
Tila mundo ko’y na hindi umiikot
Sa dami ng problema
Mga pangarap ay nakalimutan na

Panandaliang kasiyahan
Maituturing kong isang kayamanan
Habang andyan ang mga kaibigan
Tuloy-tuloy ang kagalakan

Kampay rito, kampay doon
Malalaman pa ba ang nasa dako roon
Ang ating simpleng inuman
Mapupuno ng kasayahan

Simpleng tao
Di naman mamili ng kasama
Basta’t lahat ay masaya
Kahit sandali
Mawawala ang mga problema

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS

1 Response to "REDHORSE"

  1. junececille28 says:
    January 3, 2010 at 7:50 AM
    This comment has been removed by the author.

Post a Comment