Sabayan
Sabayan
by Sam Magtiza
Sinubukan kong sabayan
Ang galaw ng iyong isipan
Pilit na sinusundan
Ngunit walang patutunguhan
Sinubukan kong pakinggan
ANg sinasabi ng iyong damdamin
Tinangka ko mang pilitin
Ngunit kay hirap intindihin
Sinubukan kong iwasan
kanilang mga salita
ngunit masyadong mapanghusga
masyadong mapanira nga talaga
Subukan ko man lahat
Lahat man kung sino't ano ka
Kung hindi para talaga
Wala na akong magagawa
January 3, 2010 at 8:11 AM
Mayroon akong kaibigan
Kaibigan din ng marami
Lagi s’yang nasa iyong tabi
Lalo na’t kapag kahirapan
Siya’y lagging nagpapasaya
Dahil ayaw niya ng malungkot
Kaya’t lagi ko s’yang katabi
Lalo na sa aking pagtulog
Siya’y may hugis na parisukat
Nakatira sa isang piƱa
Siya ang aking bestfriend na si,
Spongebob Squarepants