Ang Sakit sa pakikipagsapalaran ni Josh
Ang Sakit sa pakikipagsapalaran ni Josh
by Johnray Martinez
Si Josh ay 16 na gulang at kasalukuyang nagaaral para sa kolehiyo. Napakasaya ng buhay ni Josh. Isa siyang batang masarap ang buhay, napakamalaya, napaka "relaksing" ika nga, ngunit pag tulog lamang ang mga kasamahan sa bahay. Normal lang naman ang buhay ni Josh. Simple lang, libro dito, libro doon. Nagkalat na ang mga gamit sa iskwela at tipong ginagalbok na ito sapagkat hindi nagagamit. In short, tamad ako, este si Josh. Isang araw gumising si Josh na napakasakit ng katawan, may sakit siya! Hindi na kayang tumayo ni Josh ngunit tumayo padin siya dahil naamoy niya ang simoy ng ulam galing sa ibaba. Sa kanyang pagbaba ay nadatnan niyang nagsisikainan na ang mga kapamilya niya kaya kumain na din siya. Naranasan ni Josh ang hirap sa pagkain sapagkat napakasakit ng lalamunan niya tuwing siya ay lumulunok ngunit ang ulam ay prayd tsiken! Hala sige! Lunok lng ng lunok si Josh. Ayon nga sa motto ni Josh, "tsi no hai finchu na huay di." Nakalimutan ko nga palang sabihin, nagpapaka Koriyano nga pala si gago. Pagkatapos kumain ay ninais na ni Josh magpahinga ngunit hinarang siya ng kanyang dambuhalang ate at inutusan siyang hugasan ang mga plato kahit siya ay may sakit. Pinrotesta ni Josh ang pagutos sakanya dahil sobrang sama ng pakiramdam niya at yung inuutos kay Josh ng ate niya ay inutos lang din ng kuya niya na inutos naman ng kanyang ina. Walang magawa si Josh at ginawa na lamang ang iniutos sakanya at bigla siyang binulungan ng ate niya na "I trust you," ngunit palihim na sinabi ni Josh sa kanyang ate na "I trust you mukha mo! Di na kayo naawa! Sometimes you make me feel like you don't care for me anymore!" Hindi ba't napakasaya ng pamilya niya? Tunay silang nagmamahalan at may paki sa isa't-isa. Habang hinuhugasan ni Josh ang mga plato ay may biglang lumabas na ipis sa kanyang harapan at bigla siyang tumakbo palayo dito. Patuloy siyang nagsisisigaw at paikot ikot sa salas ng di niya nalalalaman na natapakan na pala niya ito. Nang napuna niya ang bangkay ng ipis ay biglang nabakas ang ngiti sa labi ni Josh at biglang pinagmumura ang ipis na "Pakyu pakyu pakyu ka! You tot ha!" At tinuloy na niya ang paghugas sa mga plato.
Nasaktan si Josh dahil walang nagpakita ng pagaalaga sa kanya sa kanyang pagkakasakit, imbis na alagaan siya, inutusan pa siya. Animo'y aliping sagigilid at hindi bunso ang turing sakanya. Marahil maloko nga si Josh ngunit sensitibong tao din siya, madali siyang masaktan sa mga bagay-bagay lalo na pagdating sa mga mahal niya sa buhay. Hindi porket kita mong nakangiti at nakatawa ang isang tao ay ibig sabihin nito na masaya siya at wala siyang inaakong problema. Kadalasan sa mga tao, ginagawa nila itong maskara panakip sa kanilang kalungkutan, paglaban sa kasamaan, at pagligtas sa sanlibutan! Astro! Tenenen astro Cigarette! Ay pasensya na at na carried away si Josh. Pagkatapos ng lahat ng sama ng loob ay ngumiti na lamang si Josh, humiga at pumikit.
0 Response to "Ang Sakit sa pakikipagsapalaran ni Josh"
Post a Comment