SANTONG KUPAL

SANTONG KUPAL
by Rory Daniel E. Gamboa

pagtingin mo sa una
kala mo maamong tupa
kaya ika'y nakipagkaigiban
sa taong mukang mapagkakatiwalaan

halos araw-araw magkasama kayo
lokohan doon, kwentuhan dito
di niyo na napansin na late na kayo
sapagkat napakasaya niyo

sa bawat quiz
kayo ay nagtutulungan
dahil sa simpleng dahilan
para walang bumagsak at maiwan

napagkekwentuhan niyo
lahat ng bagay sa mundo
maging personal man o kabastusan
matalik kayong magkaibigan

isang araw sa eskwelahan
napansin mo nlang
matalik mong kaibigan
pilit kang iniiwasan

nadiskubre mo nalang
may mga bago na syang kaibigan
bigla mong nalaman
hindi pala siya tunay na kaibigan

ganun kabilis
kung ika'y palitan
parang basahan
matapos gamitin, ika'y iiwanan

ngunit wag kang mag-alala
sapagkat inde siya kawalan sayo
wala siyang kwentang tao
hindi siya gawa sa ginto

magsilbi sanang aral ito
wag kang mag judge ng tao sa labas na anyo
hindi porke't mukhang maamong tupa
baka sa loob naman ay manggagamit na KUPAL!!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS

0 Response to "SANTONG KUPAL"

Post a Comment