PANGAKONG NAPAKO

PANGAKONG NAPAKO
by Karla Mae Rebel

madami ngang bituin ang nasa langit
kumikislap at nagniningning
pinangako ko na sau ibibigay
ang mga tala na abot tanaw

ngunit ang pangako ay aking nasira
di sinasadya ang nagawa
wag sanang isipin na pagmamahal ay nawala
pagkat buo pa rin ang pusong nagtitiwala

muling bigyan ng pagkakataon ang patawad ko
kahit alam kong mahirap na pakiusap ito
pakinggan mong mabuti ang sinasabi ko
dahil tapat ang pagibig ko sa'yo

nasaktan kita, alam ko iyon
mahirap magpatawad, alam ko rin iyon
ngunit akong nagsusumamo
muling bigyan ng huling pagkakataon

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS

0 Response to "PANGAKONG NAPAKO"

Post a Comment