ANG UMASA SA WALA
ANG UMASA SA WALA
by
Chiesa Aberry Q. Pisawis
O Kay hirap nga naman
Ang umasa sa wala
Akala’y magbubunga
Yun pala’y bunganga lang
Ang nagsabing may bukas
Ang ganitong pagsinta
O kay hirap magisip
Kung pano lilinisin
Utak ko’y duming dumi
Puno ng paguulit
Sa ngalan mong sinambit
Araw man ‘to o gabi
Papaano nga ba
Tumigil sa pag-asa
Kung puso’y ikaw lamang
Ang tanging nilalaman







0 Response to "ANG UMASA SA WALA"
Post a Comment