Bakit pa kung kelan ay pasko?
Bakit pa kung kelan ay pasko?
by Jin Foliente
Ramdam na ang lamig ng hangin sa labas lalo na pag gabi
Taimtim ang pagdungaw sa iyo habang maaari
Tuloy ang daloy ng dugo sa pusong tumitikob sa sabik
Pagkibo'y kimi lamang, sa iyo'y taimtim
Nakita mo ako, napalingon ako
Mata ko'y naabot
Ang mukha mong kumikislap
Sa wakas nag pang abot din si Florante at Laura
Di na rin nagtagal lumisan ako
Naghahabol sa oras na para sa sarili
Napigil ng tadhana ang sana'y patutunguhan
Ng mapusok na mga damdamin
Naglao'y nagkita muli
Ang mga pusong sabik
Ngayo'y subok na
Ang matagal na pagtitimpi
Sa lagim na gabi ng isang handaan,
Nagkatapatan
ang dalawang tila'y may tagong tinginan
Naglapit ang mga pusong nagtiis
Sa huli'y nagakatuluyan din
Tila'y wala nang bukas
Sa paghayag ng pagmamahalang walang hanggang...







0 Response to "Bakit pa kung kelan ay pasko?"
Post a Comment