Mekaniks sa pagpost ng tula, maikling kwento, sanaysay etc...
Pakipost as comment na lang dito sa blog na to yung mga gawa niyo tapos aayusin ko na lang ndi pa ito ung final blog naten bale dito ko lang icocompile yung gawa ninyo. Dito ko na lang kukunin para maayos. TY :)
December 15, 2009 at 3:42 AM
Ano ba ‘yan!
Gigising siya ng 5:30 ng umaga para pumasok sa paaralan. Malayo ang pinapasukan niyang eskuwela. Isa’t kalahating oras ang aabutin para makarating siya doon. Uumpisahan niya ang araw sa pagpunta sa banyo para maligo at mag-toothbrush. Hindi man lang magawang magdasal para magpasalamat. Agad-agad na nagbihis at nag-ayos ng gamit. Bababa siya galing kuwarto at walang madadatnang almusal. “Ano ba ‘yan!” Aalis na lang siyang walang paalam. Start na ang kanyang journey.
Maghihintay siya ng masasakyang tricycle. Habang naghihintay, pansin niya ang mga asong-kalye na wala ng ginawa kundi umihi at dumumi sa kalsada. “Ano ba ‘yan!” Mabuti hindi siya kumain at baka naluwa niya lang ang agahan. Sasakay na siya sa tricycle. Bibilangin na niya ang pamasahe para sa buong trip papuntang school. Pagbaba, sasalubong agad ang mga street children para manlimos. Magbibigay siya ng sobrang piso. Habang naglalakad papuntang overpass, pansin niya ang mga taong dura ng dura. “Ano ba ‘yan!” Kadiri daw sila. Laganap na nga ang sakit, dura pa ng dura. Nakikita niya rin ang mga taong nagtatambak ng basura sa mga lugar na may karatulang “Bawal magtapon ng basura dito!” Makulit talaga ang mga Pinoy. Madali siyang sumakay ng jeep dahil baka abutan siya ng trapik.
30 minutes siyang nasa jeep. Wala siyang magawa. Iniisip na lang niya ang mga bagay na gagawin niya pagdating sa school. “Ano ba ‘yan!” May quiz nga pala siya. Susubukan niyang mag-review habang nasa jeep. Hindi siya makapag-concentrate dahil sa sabay-sabay na ingay ng busina, mga barker ng jeep, at mabilis na pag-andar ng sasakyan. Nahilo siya bigla. “Ano ba ‘yan!” Sa school na lang siya mag-rereview. Pagkatapos ng jeep, bus naman ang sasakyan niya. Maghahanap siya ng bus na malapit nang mapuno para makaalis agad. Lagi siyang nakakaupo sa bus. Tatayo siya kapag may nakita siyang babae na nakatayo malapit sa kanya. Kahit gusto niyang umupo at matulog habang nasa bus, no choice siya dahil umiiral ang conscience niya. “Ano ba ‘yan!” Siya nagpaupo ng babae habang ang ibang lalake na mas matanda sa kanya, sitting pretty pa rin at di man lang magawang magpaka-gentleman. Iba na talaga ngayon.
Malapit na siya sa school. Napaisip siya kung dadaan muna siya sa kahit anong bilihan ng pagkain para mag-almusal. “Ano ba ‘yan!” 5 minutes na lang at late na siya. Agad-agad na sumakay ng isa pang jeep. Pagpasok niya, sasalubong sa kanya ang mga classmates. May isang minuto pa bago tumunog ang bell. Nagkulitan muna sila bago pumasok sa classroom. Biglang may nagtanong sa kanya kung nagawa ba niya ang assignment sa Math. “ANO BA ‘YAN!!!”
December 15, 2009 at 6:34 PM
kabataang pilipino ... sa bagong panahon
(TULA)
Sa gabi ng palad..
inaasam-asam maningning na bukas
Ngunit nangangamba...
na kamiy mabigo, takot na umasa
Ahhh.. takot na masaktan
mapait lunikin ang balighong buhay
Ayaw mong harapin...
ang katotohanang pangit sa paningin
Hindi kami iyan...
sa bagong panahon laging umaasa
Ang bawat umaga...
sa ami'y pangarap, ganda, at pag-asa
Loob ay matatag...
tagumpay o bigo ay kayang matanggap
At sa bawat hakbang...
madapa'y babangon at muling magtatagumpay
Salamat... salamat...
hindi nagkamali si Gat Jose Rizal
Aa lukong ng palad..
naming kabataan, pag-asa ng bayan
Bukas na isipan...
tanggapin ang hamon ng kasalukuyan
Malinis na puso...
pintigan ng buting higit pa sa ginto
Kaya't kami ngayon...
matibay na sangkap ng dakilang layon
Mula sa tahanan...
sa lahat ng sulok ng ating lipunan
Sa mga kilusan...
ay nagkakaisa't bukas ang isipan
Sa mga hakbangin...
ay tatag ng puso't tibay ng damdamin
SABAY-SABAY
darating ang araw...
Mga Pilipino'y magbabagong tatag-
itong ating bansa'y hindi masisindak
Sapagkat nabigis...
ng pagkakaisa sa puso't isipan
Kaming kabataan...
hindi padadaig sa dagok ng buhay
December 15, 2009 at 9:11 PM
May Plastik ang Mundo
(TULA)
Matagal na, Juan
Matagal ng ipokrito ang laro mong ito,
Matagal nang ikaw'y may trono sa impyerno
At nilulumot na ang kapwa mo rito.
Sa iyo, lumang tugtugin na ang pag-ibig sa Diyos;
Patay na si "bigayan", itsura ni "damayan"
Ang takot ay wala na't nilamon ng siglo,
Ang ginto mong pader, malaya kay Kristo.
Matutuwa ka sa iyong panalo
Ang buhay mo'y pito, ang kotse mo'y walo
Sa bahay-ampunan, sa "Mental Hospital"
Kaharap-harap mo, kamera at potograpo.
Nagagalit kang madaya ang iba,
Napopoot kang madaig sa kita.
Bago ang maskara'y suot-suot mo na
At ang simbaha'y ginawa mong bangketa
Paluhod-luhod ka kung Linggo't Huwebes santo.
Tapos duduraan mo ang pulubi sa kanto
Magmumura ka't manloloko ng tao
Nasisikmura mo ang ganitong serbisyo?
Juan, oh, Juan!
Bakit? Oh bakit ba?
Ang magandang larawa'y ginawa mong dikdikan.
Dapat bang iigaw at ipagbulgarang ...
Binalot mo ng PLastik... ang mundo, ang mundo!!!
;)
December 16, 2009 at 4:23 AM
December 16, 2009 at 6:14 AM
Boses ng yumao
Ano kaya ang magagawa ko
Kung taong taksil ang napaupo
Dama ang gulo sa ating pagkakamali
Pagkakamali natin sa ating pamimili
Ano nga ba ang magagawa ko
Sa mga gulong ito na pabugso-bugso
Ngayon at aking narinig ang sintensya sa mga tao
Hustisya nga ba ang tawag sa maling pagturo?
Ano pa kaya ang magagawa ko
Sa mga nakagawiang mali na nakikita ko
Ang pagkitil sa mga kapatid na tila'y di tao
At ngayo'y bulung-bulungan na sa magkabilang ibayo
Ano pa nga ba ang magagawa ko
Sa pagbubulag-bulagan at pagbibingi-bingihan ng nakaupo
Matitikman pa kaya ang pagiging tao
Madadama pa kaya ang hindi pagkakalayo-layo
December 16, 2009 at 6:54 AM
Ang Sakit sa pakikipagsapalaran ni Josh
Si Josh ay 16 na gulang at kasalukuyang nagaaral para sa kolehiyo. Napakasaya ng buhay ni Josh. Isa siyang batang masarap ang buhay, napakamalaya, napaka "relaksing" ika nga, ngunit pag tulog lamang ang mga kasamahan sa bahay. Normal lang naman ang buhay ni Josh. Simple lang, libro dito, libro doon. Nagkalat na ang mga gamit sa iskwela at tipong ginagalbok na ito sapagkat hindi nagagamit. In short, tamad ako, este si Josh. Isang araw gumising si Josh na napakasakit ng katawan, may sakit siya! Hindi na kayang tumayo ni Josh ngunit tumayo padin siya dahil naamoy niya ang simoy ng ulam galing sa ibaba. Sa kanyang pagbaba ay nadatnan niyang nagsisikainan na ang mga kapamilya niya kaya kumain na din siya. Naranasan ni Josh ang hirap sa pagkain sapagkat napakasakit ng lalamunan niya tuwing siya ay lumulunok ngunit ang ulam ay prayd tsiken! Hala sige! Lunok lng ng lunok si Josh. Ayon nga sa motto ni Josh, "tsi no hai finchu na huay di." Nakalimutan ko nga palang sabihin, nagpapaka Koriyano nga pala si gago. Pagkatapos kumain ay ninais na ni Josh magpahinga ngunit hinarang siya ng kanyang dambuhalang ate at inutusan siyang hugasan ang mga plato kahit siya ay may sakit. Pinrotesta ni Josh ang pagutos sakanya dahil sobrang sama ng pakiramdam niya at yung inuutos kay Josh ng ate niya ay inutos lang din ng kuya niya na inutos naman ng kanyang ina. Walang magawa si Josh at ginawa na lamang ang iniutos sakanya at bigla siyang binulungan ng ate niya na "I trust you," ngunit palihim na sinabi ni Josh sa kanyang ate na "I trust you mukha mo! Di na kayo naawa! Sometimes you make me feel like you don't care for me anymore!" Hindi ba't napakasaya ng pamilya niya? Tunay silang nagmamahalan at may paki sa isa't-isa. Habang hinuhugasan ni Josh ang mga plato ay may biglang lumabas na ipis sa kanyang harapan at bigla siyang tumakbo palayo dito. Patuloy siyang nagsisisigaw at paikot ikot sa salas ng di niya nalalalaman na natapakan na pala niya ito. Nang napuna niya ang bangkay ng ipis ay biglang nabakas ang ngiti sa labi ni Josh at biglang pinagmumura ang ipis na "Pakyu pakyu pakyu ka! You tot ha!" At tinuloy na niya ang paghugas sa mga plato.
Nasaktan si Josh dahil walang nagpakita ng pagaalaga sa kanya sa kanyang pagkakasakit, imbis na alagaan siya, inutusan pa siya. Animo'y aliping sagigilid at hindi bunso ang turing sakanya. Marahil maloko nga si Josh ngunit sensitibong tao din siya, madali siyang masaktan sa mga bagay-bagay lalo na pagdating sa mga mahal niya sa buhay. Hindi porket kita mong nakangiti at nakatawa ang isang tao ay ibig sabihin nito na masaya siya at wala siyang inaakong problema. Kadalasan sa mga tao, ginagawa nila itong maskara panakip sa kanilang kalungkutan, paglaban sa kasamaan, at pagligtas sa sanlibutan! Astro! Tenenen astro Cigarette! Ay pasensya na at na carried away si Josh. Pagkatapos ng lahat ng sama ng loob ay ngumiti na lamang si Josh, humiga at pumikit.
--o eto pa isa bago ako matulog haha
johnray
December 17, 2009 at 5:07 AM
Ganito ka ba magmahal?
(TULA)
Ni Mary Lynn Mejos
Dati rati'y nakikita lang kita
Nasasalubong kahit san magpunta
Nagkakatinginan ng hindi sadya
Ako'y napapatanong, "Sino kaya siya?".
Masaya tuwing nakikita ka
Puso'y natutunaw pag ngumingiti ka
Bawat sulok ikaw ang nakikita
"Kailan kaya kita makikilala?"
Dumating ang araw na aking pinakahihintay
Ipinakilala ka ng isang kaibigan
Pakiramdam ko'y puso ko'y lalong natunaw
Nang makilala ka't mahawakan
Ika'y aking naging malapit na kaibigan
Kasakasama sa oras na kailangan
Ginawa ang lahat upang mapasaya ka
Pakiramdam ko'y gusto na kita
Ngunit tumigil ang aking mundo
Nang maikwento mo
May mahal ka palang iba
Wala akong nagawa
Ako'y nasaktan ako at natulala
Ang mahal ko'y may mahal palang iba
Ako'y lubhang nalungkot
Puso ko'y tila nadurog
Ngayon alam ko na
Ang puso pala'y sobra kung magmahal
Ngayon ako'y natuto na
Hindi na ako magmamahal ng sobra sobra.
December 17, 2009 at 5:32 AM
Ang kaibigan
ni Peñaredondo, Kris Howsef S.
Ang kaibigan ay taong iyong masisilungan
Kaibigan na iyong mapagkakatiwalaan
Siya’y iyong masasabihan mo ng iyong problema
Panigurado, lagi siyang andyan para sa iyo.
Sa panahon ng pangangailangan,
Kaibigan ang kinakailangan
Tawagin mo ang kanyang pangngalan,
Siya’y andyan ng walang alinlangan.
Ang kaibigan ay maituturing na kayamanan
Ito ay hindi mabibili ng lubos na pera
Mahalin ng lubusan ang mga kaibigan
Dahil kalian man hinding-hindi siya mapapalitan.
Ingatan ang iyong kaibigan
Kaibigang lubos, mahalin siya
Siya’y panatiliin sa tabi mo
Kayamanan ang makukuha mo
December 17, 2009 at 6:35 AM
Sino c Daniko?!
Ako?!! Simple lng ako!Pwede nyo akong matawag na Niko.. Nung unang araw ng kolehiyo ay napaka aga ko pumasok. Ngunit ng nag tgal eh.. prang madalas na akong na la late, ndi nmn cguro sa tamad marahil palaging trapik dahil ako ay nang galing pa ng muntinlupa(labas). Minsan ay 5am na ako na gigicing ngunit sa kabagalan ko ay umaabot ako ng mga 6am pra mka alis ng bahay.. Ang unang klase ko pa nmn ngaung 2nd term ay ang FILIPINO. Sino nga ba c Niko?! Maraming nainis,nagalit at cguro may natuwa nmn. Ngunit xempre ang totoo. eh napaka bait kung bata. Wag na mag akila dahil sa itsura plang mapapa MAY BUKAS KA PA.. At cguro hindi rin maiiwasan ang pag kainis ng ibang tao sakin.
Sino nga ba tlga c daniko? AKO?!! Isa rin akong palakaibigan. Makikita nmn cguro un. Wlang pinipili bsta sakyan nya mga trip ko at sasakyan ko trip nya, sakayan kami.haha!.
At ndi makukumpleto c daniko ng wlang BAGSAK sa MATH.. tamad!! yan nlng maririnig ko plagi kpag lagi akong nag tatanong sakanila.haha! At, iba mag mahal si Daniko Mark D. Guevarra.
Yan c Niko~
Daniko Mark D. Guevarra. ..l..
December 17, 2009 at 6:44 AM
X-sena
Buhay natin ay parang telenovela,
Tayong dalawa ang direktor at bida,
Tayo ang bahala sa mga eksena,
Walang makapipigil sa ating dal’wa…
Ang tamis ng iyong mga halik,
Ang siyang sa akin’y nagpapasabik,
Ang init ng iyong mga yakap,
Ang siya naman’y aking hanap-hanap…
Di makukumpleto ang telenovela,
Kung wala ang mga kontra bida,
Pilit nila tayong paghihiwalayin,
Ngunit hanggang dulo’y tayo pa rin…
May mga pagsubok na pagdaraanan,
Ngunit tiyak na ating malalampasan,
Dahil mayroon tayong matinding panlaban,
Ang ating walang hangganang pag-iibigan…
Lilipas ang lima, sampung taon,
Maaalala natin ang kahapon,
Mga ala-ala na ating binaon,
Para sa susunod na henerasyon
Karla Mae Rebel
December 17, 2009 at 7:34 AM
ang buhay ay parang kumunoy.
minsan mahirap mag move-on sa buhay dahil sa dami ng pahirap
kahit gaaano kabilis ang gusto mong lakbayin lalo kang bumabagal dahil parami ng parami ang nasa likod mo.
kahit gusto ng bumigay ng isip mo eh alam mong may umaasa sayo
hanggang saan kaya aabot ang pasensya at lubid ng katinuan?
minsan din di mo alam kung sinusubukan ka lang ng ibang tao kung matibay ka
kahit alam nila na sagad na o below the belt eh sige lang
di ko alam kung bobo o tanga lang sila
wala kang magawa kundi kausapin sarili mo at ang diyos
naniniwala ako sa sinabi ng aking teacher dati na ''i believe in god and i believe in karma''
kung ano ang ang ginawa mo o ginawa ko eh babalik at babalik
ipagpapasadiyos ko kayong lahat
may araw din kayo. makakabawi din ako. karma na ang bahala sa inyo.
hindi masamang magalit pero masama magtanim ng sama ng loob
patawad diyos ko dahil puno na ang puso ko ng ganito
buhay ay parang kumunoy
pag lalo kang nagpaapekto ay lalo kang lulubog....
-eugene.
December 17, 2009 at 9:24 AM
Ang munting pag kikita
Isang araw habang nag lalakad si ken ay may nakita siyang babae, isang babaeng napakaganda ngunit ay mapapansin mong malungkot, napag pasiyahan niang lapitan ang babaeng ito at tulungan niya ito sa kung ano mang publema niya. Pag lapit ni ken sa babae ay ibinati niya eto ngunit ay walang imik ang babae. Naisipan niyang subukan ulet ngunit ay wala pading sagot ang babae. Naisipan ni ken na iwanan na lng ang babae sapagkat ay maaring masyadong malalim ang publemang idinadamdam ng babae. Pag talikod ni ken ay bigla namang humirit yung babae.
“May syota ka?” sabi ng babae
Napatanga lamang si ken dun sa sinabe ng babae. Walang masagot. Nang napagana na niya ulet ang kanyang utak ay naisipan niyang dapat sagutin ito ngunit parang may puwersang pumipigil sakanya at sinasabing kailangan niya ng layuan ang taong ito ngunit umiral ang katangahan niya at sinagot niya eto
“Wala eh, baket?gusto mo ikaw?” ang munting sinabi ni ken
“Hahah puwede den, ano bang pangalan mo ha?”sagot ng babae
“Ako si Kentot L. Touch, Ken na lng ok na..ikaw?”
“Ahh ikaw pala,Gusto mo ba talagang malaman pangalan ko??d mo na ata kelangan eh, malalaman mo din sa mag lalapit na panahon abangan mo na lng :D”ang sabi niya sabay ngisi ng babae
Nag taka si ken kung ano ang ibig sabihin ng babae ngunit ay bago niya eto maitanong ay tumalikod na ang babae sabay paalam sakanya sa susunod na lamang daw nilang pag kikitaniya ilalahad ang lahat ng kailangang malaman ni ken.Habang pauwe si ken ay d niya maialis ang nangyare sa utak niya at hiniling niya sana ay Makita nga niya ulit ang babaeng iyon.Pag pasok niya sa bahay niya ay tinawag kagad siya ng kanyang magulang at pinapunta sa sala. Pag dating niya sa loob ng sala ay nakita niya ang babaeng ninanais niyang Makita nakangiti lang habang nakatitig sa mga mata ni ken
To be continued????pag sinipag
-Joshua siscar
December 17, 2009 at 4:12 PM
December 17, 2009 at 4:13 PM
PAG BINATO KA NG BATO, BATUHIN MO NG PUTO
Halimbawa may galit sa'yo
At pinukulan ka ng bato
Aba'y umilag ka ng todo
Baka magkabukol sa ulo
Puto naman ang ibato mo
At baka tumino yung tao't
Mawala ang galit sa iyo
-pwede na siguro yan noh? :)
-eugene.
December 17, 2009 at 4:16 PM
"MARIA"
by
.sassygurl.
Mukha'y napakaganda
Sadyang matalino pa
Siya ay angat sa iba
Madla'y hanga sa kaniya
Anak na masunurin
Ang kilos ay mahinhin
Siya'y hindi mainipin
Ika'y pa-iibigin
Ngunit anong nangyari?
'Di na tulad ng dati
Sa pag-ibig nasawi
Sa masama nauwi
Siya'y mayroon nang bisyo
Hawak yosi't posporo
Damit niya'y tukso
Maria, 'di ikaw 'to
Marahil 'di mo alam
Sana'y iyong nalaman
May nais ipaalam
Ang pusong nasasaktan
Ika'y aking prinsesa
Simula pa nung una
Pero inibig mo siya
Tapos iniwan ka niya
Kung ako na lang sana
Tiyak na ika'y sasaya
Luha'y 'di makikita
Sa mata mong ka'y ganda
Huli na ba ang lahat?
Sinong karapatdapat?
Ako ba'y hindi sapat?
Pag-ibig nama'y tapat
Sana ay pansinin mo
Kahit ika'y nagbago
Nandito parin ako
Puso ko'y iyong iyo
--nix arce--
December 17, 2009 at 4:23 PM
.sassygurl.
ang emo ba nung akin??? :|
aww... bakit kaya?
kagabi ko yan ginawa eh,
after ko mnuod ng 'Madagascar2'
nyahaha XD weird much?!
cartoons tpos nging emo -_-
wag gnun! lapit n mgpasko!!!
LET'S GIVE LOVE! :)
--nix arce--
December 18, 2009 at 1:52 AM
December 18, 2009 at 1:53 AM
Ako po si Khing
Mahilig sa singsing
Madali akong malasing
Ngunit madali rin magising
Ako'y Maliit
Ngunit d makulit.. ?
Ako'y hindi singkit
Ngunit magaling humirit
Ako'y maliksi
Pag ako'y hindi bisi (busy)@_@
Magaling gumawa ng PC
Kung lagi itong DC
Ako'y Matapang
Sa estilo ng pagGAPANG
Maayus ang aking balakang
kaya hindi ako sakang
Ako'y Astig
Sa pagkain ng pinipig
Mahilig din sa sisig
Kaya laging kinikilig
Ako'y Mabilis
Sa pagpatay ng ipis
Sanay ding magtiis
Pag ang ulam ay paylis (Payless)@_@
"Peace on Earth"
``dk!!
December 18, 2009 at 2:20 AM
****Bakit pa kung kelan ay pasko?****
Ramdam na ang lamig ng hangin sa labas lalo na pag gabi
Taimtim ang pagdungaw sa iyo habang maaari
Tuloy ang daloy ng dugo sa pusong tumitikob sa sabik
Pagkibo'y kimi lamang, sa iyo'y taimtim
Nakita mo ako, napalingon ako
Mata ko'y naabot
Ang mukha mong kumikislap
Sa wakas nag pang abot din si Florante at Laura
Di na rin nagtagal lumisan ako
Naghahabol sa oras na para sa sarili
Napigil ng tadhana ang sana'y patutunguhan
Ng mapusok na mga damdamin
Naglao'y nagkita muli
Ang mga pusong sabik
Ngayo'y subok na
Ang matagal na pagtitimpi
Sa lagim na gabi ng isang handaan,
Nagkatapatan
ang dalawang tila'y may tagong tinginan
Naglapit ang mga pusong nagtiis
Sa huli'y nagakatuluyan din
Tila'y wala nang bukas
Sa paghayag ng pagmamahalang walang hanggang...
**Jin Foliente**
December 18, 2009 at 3:44 AM
ANG UMASA SA WALA
O Kay hirap nga naman
Ang umasa sa wala
Akala’y magbubunga
Yun pala’y bunganga lang
Ang nagsabing may bukas
Ang ganitong pagsinta
O kay hirap magisip
Kung pano lilinisin
Utak ko’y duming dumi
Puno ng paguulit
Sa ngalan mong sinambit
Araw man ‘to o gabi
Papaano nga ba
Tumigil sa pag-asa
Kung puso’y ikaw lamang
Ang tanging nilalaman
-- Chiesa Aberry Q. Pisawis
December 18, 2009 at 3:45 AM
TAMIS NG PAG-IBIG
Kay saya ng bawat umaga
Kung alam mong may rason ka
Sa pag-gising araw-araw
Sa pagpunta sa eskwela
Ginamit ang yong nadarama
Sa paglutas ng problema
Ngayo’y sobrang pasasalamat
Sa pagmamahal mong inalay
Tamis ng yong halik
Higpit ng iyong bisig
Sa ating bawat pagsasama
Hiling sana’y walang sagabal
Sa iyong mga pagtitig
Ako’y labis na kinikilig
Walang ibang nakikita
Kundi naguumapaw na pag-ibig
Ganito nga ba ang magmahal?
Labis labis ang tuwa?
Nakapangangamba lamang
At baka magiba
Tunay na pagmamahal
Na kay tagal kong hinintay
-- Chiesa Aberry Q. Pisawis
December 18, 2009 at 3:48 AM
TUNAY NA KAIBIGAN
Wala ng hihigit pa
Sa kaibigang tunay
Laging nandiya-diyaan
Sa hirap o ginhawa
Kung kulang ka sa pera
Sila’y nagsisilbing pitaka
Uutang ng ka’y laki
Ang listaha’y nakasulat sa tubig
Walang problema pag may kaaway
Ika nga’y nadiya-diyaan sila
Sa likod mong tumatawa
Pag ika’y tumba na
Ngunit pag ika’y nasaktan ng sobra
Sila’y laging nakaalalay
Hinahanting ang may sala
Sa iyong pag-dadrama
Inuma’y di problema
Sabay-sabay kayo sa pagsuka
Pagnagkulang sa pambayad
Solusyon ay sibat na
Yan ang tunay na kaibigan
Hindi ka iiwan
Tatawanan ka sa katangahan
Pababangunin ka sa tuwing pagkadapa
-- Chiesa Aberry Q. Pisawis
December 18, 2009 at 3:50 AM
gg ako ngayon
ok lang naman madaming post diba?
inspired ako eh
walang magawa
hahah!
pupunuin ko to
para imba ung site :D
December 18, 2009 at 4:09 AM
ANG TUNAY NA CHIESA
Chiesa ang pangalan
Labimpitong gulang
Sabi nila’y maingay
Lalo na pag tumatawa
Iyong maasahan
Sa tuwing nangangailangan
Pero kung pera ang paguusapan
Pwede bang sa iba ka na lamang?
Tunay siyang napakadaldal
Lalo na kung ginaganahan
Ayaw kasing may nakikitang
Malungkot at nag-iisa
Mataray kung titignan
Ngunit siya’y nahihiya lamang
Sa pag lapit sa hindi kakilala
At baka mapahiya lamang
Sa gimikan ay lageng andiyan
Huwag lamang aabutin ng umaga
At baka siya’y maputulan
Ng kasiyahan at imamana
Labis ang respeto sa kapwa
Sa Diyos ay sumasamba
Tinuruan kasi ng magulang
Ng tamang pag-aasal
Hindi man siya perpekto
Kung minsan pa’y kinaiinisan
Ngunit pag siya’y iyong nakilala
Labis mo itong ikatutuwa
-- Chiesa Aberry Q. Pisawis
December 18, 2009 at 4:42 AM
Maskara
Naglaho ang yong ngiti
Katauhay nagdilim
Nilamon ka ng iyong
Mapanirang maskara
Mapait na kahapon
Dahil sa mga hamon
Hindi na makaahon
Kaylangan ng bumangon
Labanan ang problemang
Pumapatay sa tao
Magdasal sa may kapal
Tagumpay makakamtan
Gapasin, James Elrhey P.
December 18, 2009 at 5:18 AM
"KAIBIGAN"
by
.sassygurl.
ang botanteng isip bata
puro usok na ang baga
isa na nga bang patapon?
'di malimot ang kahapon
buhay ay sadyang mapait
tinago na lang ang sakit
'tuturing kang kaibigan
lilimutin ang ibigan
ako ba'y isa nang emo?
ako lang nama'y totoo
hinanakit ay tinula
'di naman nagpapatama
'di naman sa ako'y aning
ayoko magsinungaling
kunwa'y mabuti lang ako
ngingiti para lang sayo
pero wag ka mag-alala
ikaw ay magpakasaya
lilipas din naman ito
kaibigan, para sayo
--nix arce---
December 18, 2009 at 5:58 AM
"Kaibigan"
-Jeth Anthony B. Taneda
Wala nang hihigit pa sa tunay na kaibigan
Na sariling utang ang pinambayad sa'ting utang
Para sa akin at sa iyong kasalanan
Ang dugo nya'y binubo para sa'ting kaligtasan
Maaaring may mag-alay ng kanyang buhay
Sa isang mabuti at mabait na kaibigan
Ngunit hindi para sa isang kasalanan
Di ipagpapalit ninuman ang malinis nyang pangalan
Bagkas ay hindi niya ito inalintana
Nagdanas ng hirap sa kamay ng masama
Dahil sa pag-ibig kanya itong ginawa
Isang tunay na kaibigan may habag at awa
Sa ating kaibiga'y walang makahihigit
Ang dugo nya lamang ang makapaglilinis
Sa kasalanan nati't kaluluwang marungis
Katawa'y nabayubay, duga'y itinigis
Maraming salamat po
Panginoong Hesus aming kaibigan,
Bugtong ng anak ng Diyos pinutol mo ang kasalanang sa ami'y nakagapos
At mga pagpapala sa ami'y ibinuhos
Ikaw ang Diyos na walang hanggang
Ama mabuting kaibigan
Aming pastol sa tuwina
Nawa sa pagpikit nitong aking mata
Sa langit na iyong bayan, ako'y iyong isama!
December 18, 2009 at 6:07 AM
December 18, 2009 at 6:08 AM
PANGAKONG NAPAKO
madami ngang bituin ang nasa langit
kumikislap at nagniningning
pinangako ko na sau ibibigay
ang mga tala na abot tanaw
ngunit ang pangako ay aking nasira
di sinasadya ang nagawa
wag sanang isipin na pagmamahal ay nawala
pagkat buo pa rin ang pusong nagtitiwala
muling bigyan ng pagkakataon ang patawad ko
kahit alam kong mahirap na pakiusap ito
pakinggan mong mabuti ang sinasabi ko
dahil tapat ang pagibig ko sa'yo
nasaktan kita, alam ko iyon
mahirap magpatawad, alam ko rin iyon
ngunit akong nagsusumamo
muling bigyan ng huling pagkakataon
KARLA MAE REBEL
December 18, 2009 at 6:17 AM
Tira Tira!
-Sarah Roxas
Hay college life nga naman... Nakaka-culture shock pala ang unang araw ng pasok sa kolehiyo. Sa isang araw, 3 paksa ang itinuturo sa isang sabjek. Grabe! Ganito pala maging isang kolehiyala... nakakasabaw! Prajek dito, prajek doon, homework dito, homework doon. Nakakasabaw talaga.
May mga pagkakataon nga na nawawalan na ako ng gana sa pag-aaral kasi napapagod ako. Pero hindi naman pwede 'yon. Sinasabi ko na lang sa sarili ko, "Sarah, konting tiyaga pa. Ipasa mo lahat ng kurso mo para mapabilis na yung paggraduate mo. Go!"
Hay nako, pag bumagsak ako, hindi ko alam kung anong sasabihin sa'kin ng nanay ko. Papagalitan nanaman ako n'on. Nakakarindi pa naman sa tainga boses no'n.
Basta bahala na si Bro! Mag-aaral na lang ako hanggang sa grumaduate. Ako rin naman ang makikinabang dito sa huli di ba? Kaunting pananalig lang na papasa ka, kaunting pagseseryoso para mapabilis ang pag-graduate, at kaunting pagsunod lang sa requirements para sa insentibs na makakatulong nang malaki sa grades. Makakahinga na naman ako nang maluwag pag nag0graduation na e! Tira tira! Fight! :)
=Sarah Louise A. Roxas=
December 18, 2009 at 6:17 AM
SANTONG KUPAL
pagtingin mo sa una
kala mo maamong tupa
kaya ika'y nakipagkaigiban
sa taong mukang mapagkakatiwalaan
halos araw-araw magkasama kayo
lokohan doon, kwentuhan dito
di niyo na napansin na late na kayo
sapagkat napakasaya niyo
sa bawat quiz
kayo ay nagtutulungan
dahil sa simpleng dahilan
para walang bumagsak at maiwan
napagkekwentuhan niyo
lahat ng bagay sa mundo
maging personal man o kabastusan
matalik kayong magkaibigan
isang araw sa eskwelahan
napansin mo nlang
matalik mong kaibigan
pilit kang iniiwasan
nadiskubre mo nalang
may mga bago na syang kaibigan
bigla mong nalaman
hindi pala siya tunay na kaibigan
ganun kabilis
kung ika'y palitan
parang basahan
matapos gamitin, ika'y iiwanan
ngunit wag kang mag-alala
sapagkat inde siya kawalan sayo
wala siyang kwentang tao
hindi siya gawa sa ginto
magsilbi sanang aral ito
wag kang mag judge ng tao sa labas na anyo
hindi porke't mukhang maamong tupa
baka sa loob naman ay manggagamit na KUPAL!!
---Rory Daniel E. Gamboa
December 18, 2009 at 6:26 AM
PANO NGA BA MAGMAHAL, NG HINDI NASASAKTAN?
Pano nga ba magmahal
Ng hindi nasasaktan?
Tila walang kadala-dala
Sa paulit-ulit na katangahan
Binigay na ang lahat lahat
Umaasang may matatanggap
Ganito ba talaga ang magmahal?
Lageng sumusugal?
Hangad lang naman ay kaligayahan
Wagas na pagmamahal ba’y mahirap makamtan?
Kung ganito lang naman ang pakiramdam
Mabuti pang sumuko na lamang
Ibinigay ang puso ng buong-buo
Bakit isinoli ng gusot-gusot?
Ito ba’y isa nanamang pagkasawi
Sa paghahanap ng pag-ibig?
-- Chiesa Aberry Q. Pisawis
December 18, 2009 at 6:37 AM
WALA NA TALAGA
Masakit ang mabalewala
Ng taong pinahahalagahan
Kung anong lake ng atensiyon sa kanya
Siya namang pandededma niya
‘Di maintindihan kung bakit
Biglang nagbago’ng ihip ng hangin
Ganito na ba talaga?
Tila ako’y sang statwa na lamang
Pinilit na ibalik
Pagsasamang kay tamis
Pero habang pinipilit
Nasasaktan lamang ng labis
Nagkunwaring malakas
Matibay at di natitibag
Pinagmalaking maraming iba
Ngunit sa loob ay siya lang talaga
Sana’y di nalang nilapitan
‘Di sana’y hindi lumuluha
Umaasang maibabalik pa
Ngunit ang totoo’y wala na pala
-- Chiesa Aberry Q. Pisawis
December 18, 2009 at 6:41 AM
`Bihag ng Aking Irog.
Sa banayad na hardin, irog kong liyag
Lubos na pagsinta sa mayuming dilag
Sa iyo, ako'y tunay na nahalina
Matamis mong ngiti, lakas ko sa twina
Panaho'y di sapat upang mamasdan ka
Ibigin ko mang mahagkan ang 'yong mukha
Tanging sa pangarap na lang mamamalas
Yakap mong wala na pagdating ng bukas
Subalit sawi ma'y hindi maninimdim
Puso ko'y di mapapawi ng kulimlim
Sa pagsinta ko'y wala ng hinihintay
Na sintang mula sa iyo, sa'ki'y alay
Walang hanggan man ay tuldukan ng oras
Ating buhay ma'y mabahiran ng kupas
Sulit ang isang araw, ika'y magnilay
Sa'yong buhay, minsan ako'y nagbigay kulay
Sapat na'ng mamasid, maamo mong mukha
Ang sa'ki'y ngumiti, masaya na'ng lubha
Pag-ibig ko sa'yo'y hindi magmamaliw
Pagsinta ko'y ganap, lubos lang sa'yo giliw
-- don seira -.-;;
December 18, 2009 at 6:45 AM
PARIWARA
Isang batang walang muwang
Isinilang sa mundong ibabaw
Ngi minsa’y walang nag-akala
Sa pagbabagong bigla
Ngayo’y napariwa
Nabarkada ng sobra
‘Di na mahanap ang daan
Pabalik sa tamang landas
Dati’y libro at pluma ang hawak
Ngayo’y yosi at alak na
Tila masyado siyang nasarapan
Sa buhay na walang patutunguhan
Ng natutong magdroga
Mas lalo pang nagging gaga
Respeto ng iba’y nawala na
Tila siya’y bayaran na lamang
Ano na nga bang nangyari
Sa batang Diyos ang may likha
Tuluyan na bang nalunod sa tukso?
Sana naman siya’y maka-ahon
--Chiesa Aberry Q. Pisawis
December 18, 2009 at 6:49 AM
Sa Pagsikat ng Araw
Ni Vincent Edward S. Romero
Sa pagdungaw sa magandang umaga
Huni ng mga ibon at ingay ng mga pusa
Ay maririning pagkat akoý tabi sa lawa
Ng munting lalawigan na sa akiý mahalaga
Sa Talahiban ng aming likod bahay
Kubo, ang natuturo ng aking kamay
Tahanan ng ng magandang ayaw mawalay
Sa aking puso siya'y kumukumpay
Parang perlas ang ngiti
Buhok na maganda at maikli
Pagod sa gawaing minimithi
Na ako sana ang namimili
Mahal kita, Alam mo ba?
Mahalaga ka, Batid mo ba?
Prinsesa sa aking mga mata
Diwata sa aking panlasa
Hangang kailan ko ba matitiis
Na aking sikreto ay ipalihis
Mahiyain akom di nagmamalinis
Sa aking puso kong bumabagwis
Hindi muna sa ngayon siguro
Sa ibang araw ka na malito
Basta ang araw ay maganda alam ko
Sa tuwing ikaý sisilayan ng mga mata ko...
December 18, 2009 at 6:51 AM
Ok na yan .. Titigil na ko sa pagpost.
Nakakatamad na eh ..
Nawawalan na ko ng idea ..
Hahahah! Pwede bang banat nalang ? :D
"Para kang ice cream .. Matamis pero anlamig"
`Good night! :)
December 18, 2009 at 7:36 AM
Ginintuang oras
Sa isang sandali, s'ya'y kapiling
Sa'yong bisig, binigyan mong turing
Ngunit oras kay bilis makamit
Singbilis din kung ito'y mawaglit
Panahon na biyaya ng langit
Gamitin, buong husay mo't pilit
H'wag hayaan na ito'y lumipas
Mag-ukit ng ala-alang kupas
Sa sandaling oras ay masayang
gintong ingat mawalan ng kinang
pagsisisi, sadyang nasa huli
Pagkakamaling naulit muli
Marapat gamitin ng mahusay
ang panahon, magdulot ng saysay
Ilaan sa gawaing mabuti
Kalikuan, tuluyang iwaksi
-Vince Canlas
December 18, 2009 at 8:04 AM
Buhay kolehiyo
By: John Nikko M. Junia
Buhay kolehiyo ay sadyang mahirap
Maraming kailagan na daanan
Ang mga bisyo ay laganap
Sa simula ng iyong mga panagarap
Sa bawat quiz na sasagutan
Hindi maiiwasan ang kopyahan
Huwag lang magpapahuli sa iba jan
Nang hnd CSAD ang bagsakan
Kung ikaw ay namomroblema
Ang mga kaibigan ay nandyan
Idaan nlng sa tawanan at kwentuhan
Ang problema na bumabagabag sa iyong araw
Marami kang makikilala sa kolehiyo
Mga mababait at tarantado
Mamili ng iyong sasamahan
Nang hindi lumaganap ang kalokohan
Isa lng masasabi ko
Sa buhay kolehiyo
Di bale nang pagod,
Wag lang bitin!
December 18, 2009 at 8:08 AM
December 18, 2009 at 8:26 AM
December 18, 2009 at 8:31 AM
SAWI :)
By: Jaspher Caleb Mose
May panahong tayo'y nagsama
Oras na tayo'y tumawa
Palakad lakad di alam patutunguhan
Kwentuhang umabot kung saan saan
Mga bagay na pinagplanuhan
Mga malalalim na usapan
Ating oras na winasta
Para makita ang isa't isa
Ako'y natutong tumawid ng kalsada
Mula nang kita'y makasama
Di namalay nahuhulog na pala
Ang aking puso'y sayo umaasa
Sa mga pangyayari'y di makapaniwala
Pagkat noon ika'y pangarap lng na bula
Sabi ko'y marahil ikaw na nga
Ngunit bakit ngayon ang puso ko'y lumuluha
Sabi'y di alam ang gagawin
Kapag nawala sa aking piling
Tayo'y nagkatampuhan
Humantong sa awayan
Mula noo'y di na nagpansinan
Balik sa gawi ng nakaraan
Ngayon ay aking napagtantuan
Aking puso'y lubos mong sinugatan
-dedicated to nikko POGI :))
December 18, 2009 at 8:32 AM
Buhay Buhay :)
By: Jaspher Caleb Mose
Buhay ng tao sa sanlibutan
Kailan man ay hindi mapapantayan
Ito ay dulong sabi ng ilan
Ang ikot iyo lamang susundan
Ngunit madalas ay kagipitan
Nararanasan ng karamihan
Pananalig ang kinakapitan
Umaasa na kaaawaan
Sa buhay natin merong hiwaga
Maaari din ito'y himala
Imposible man para sa iba
Totoo naman sa may kailangan
Kaya payo ko sa karamihan
Bawat gawain ay tumbasan
Buong puso kung kailangan
Upang hiwaga ay mabiyayaan
December 18, 2009 at 8:38 AM
ROOM 311
By: Jana May Zepeda
Sabi ng mga Propesor:
Maingay kami,
Makulit at pasaway pati,
Laging napapagalitan,
Hindi kami mapigilan.
Pero hindi naman totoo iyon eh,
Dahil sadyang masayahin,
Ang mga tulad namin,
Iba iba man ang mga ugali,
Pero iisa lamang ang trip.
Mayroong sobrang ingay,
Mayroong Bading at Emo, (haha)
Pero lahat nakikibagay,
Walang plastikan,
Lahat totoo.
Matatapos man itong quarter,
Di ko makakalimutan ang mge before and after,
Ang dating magkaibigan na naging lovers,
Lovers na naging bitter,
At marami pang err.
Masaya ako at nakilala ko sila,
Nakausap at nakasalamuha,
Sana sa akin sila rin ay natuwa,
Pati na rin sa aking pakikisama,
Salamat sa lahat, Kita kita na lang!
December 18, 2009 at 1:00 PM
Ikaw
By: Carren Biglang-awa
Ang mata’y lumilibot
parating umiikot
kahit saan mang sulok
ikaw ay inaabot
Pag ika’y nkikita
ligaya’y nadarama
liwanag saking mukha
ang iyong mapupuna
O ikaw, ikaw, ikaw,
ang aking inaasam
ang aking tinatanaw
sana ay iyong ramdam
December 18, 2009 at 1:52 PM
Kaibigan
By: Carren Biglang-awa
Ang kaibigan ang yong laging karamay
iyong kasundo at iyong kakulitan
palaging kasama sa lahat ng bagay
pagkat sila’y tunay na nag mamahalan
Ngunit, minsan sila’y nagkakainitan,
di magkasundo at nagkakatampuhan
maya-maya’y sila’y balik sa dati
pagkat di matiis ang bawat sandali
Ganyan ang tunay na magkakaibigan
parating nagmamahalan, magkasundo
matibay at hindi puro lang lokohan
kundi, pagkakaibiga’y mahlalaho.
December 18, 2009 at 2:15 PM
Malayang Ibon
Ni Yna Villegas
Ang ibon ay may pak pak
Ang tao’y may utak
Sabay lumilipad ng may kalayaan
Tungo sa paroroonan.
Ngunit huwag padadala sa agos ng tubig
At baka hindi kayanin ng iyong mga bisig
Ang matinding alon
Na sayo’y magbabaon.
Huwag pauudyok sa gusto ng masa
Ika’y nilalang na may kusa
Kung ikaw ma’y nadala
Sa Diyos ang tanging pag-asa
Ang buhay ay simple
Lahat ay posible
Nasa iyo ang kapangyarihan
Tungo sa kaunlaran
December 18, 2009 at 2:55 PM
Makuntento ka.
Ni: Yna Villegas
Kay sarap ng hangin, ang lamig ng yakap ng panahon sa mga bisig niya. Ngunit hindi niya ito nagustuhan kaya’t pilit nagpainit. Lumipas ang napakabilis na oras, nag-init ang paligid hindi nakuntento kaya’t gumawa ng paraan ng sagayo’y lumamig. Bumili ng pamypay pero walang epekto, bumili ng electricfan pero tulad lang din ng pamypay ang bisa at huli bumili ng aircon kahit hindi sapat ang salaping hawak ng kanyang mga palad. Akala niya’y ginhawa mula sa init ng panahon ang dulot ng aircon pero hindi, sakit sa bulsa ang inabot at patuloy na pagkabutas ng “ozone layer”. Pinalipas niya ang isyu ng panahon at nakaramdam ng gutom, nais niya ay init ng sabaw kaya’t pinilit magkaron, hinigop at siya’y napaso at tuluyang inayawan ang sabaw. Pumili ng gulay, ang tanging meron ay
Yna Villegas: ampalaya, siya’y nagreklamo sa pait ngunit dahil sa pait ay naparami siya ng kanin kaya’t napuno at naginhawahan ang kumukulong sikmura. Napansin niya ang mabilis na pagunlad ng teknolohiya at ninais na magkaroon ng mga ito, kaya’t siya’y naghanap ng trabahong may mas mataas na sahod. Hindi nagtagal, siya’y naghnap ng iba pang trabaho ng sagayo’y mabili ang kanyang gusto. Pagkatapos niyang maglevel-up, maghirap at yumaman, magharvest, nakamit man niya ang tarik ng bundok ng panandaliang kaligayahan hindi pa rin siya natatahimik sa paghahanap ng tunay ng kasiyahan sa buhay.
Yna Villegas: Mapapagod ka talaga sa paghahanap ng tunay sa kasiyahan sa buhay hanggat hindi mo nalalaman ang makuntento sa kung anong meron ka at simulang isipin ang lagayan ng iba dun mo matatagpuan ang kasiyahang higit pa sa mga makamundong panandaliang ligaya.
December 19, 2009 at 10:25 AM
Kaibigan o Kaaway?
Marahil ikay may kilalang tao na hindi mo maintindihan kung kaaway o kaibigan mo, nawa'y ikaw ay naguguluhan sa kanyang mga kilos sayo, hindi mo maunawaan kung ano ba talaga ang meron sa inyong dalawa. Minsan ay maganda ang inyong samahan, minsan nama'y napaka pait ng mga pangyayari tuwing matatapos ang gabi ninyo. Parang minsan ay pakiramdam mo kinakausap at sinasamahan ka lang niya kapag siya ay may problema o walang makasama sa kanyang piling. Minsan parang pumapasok nalang sa ating isipan na, kinakausap at sumasama lang siya sa iyo kapag siya ay wala ng kapiling na iba,bigla bigla ka nalang niyang kakamustahin at kakausapin kapag ang mahal niya ay iniwan na siya. Maaalala ka lang pag wala na siyang ibang kapiling at kakausapin ka dahil alam niyang kakausapin mo din siya. Ganyan ang mga kaibigan ngayon. :)
Ikaw? May kapiling ka ba ngayon? marahil meron dahil hindi mo pa ako kinakamusta eeh :P :)))
Aaron Manalanzan
December 29, 2009 at 6:34 PM
ang hirap naman magcomment per gawa.. sayang.. sana ung pagkakaayos per blog entry para makacomment ako
December 29, 2009 at 8:49 PM
"Ang Muling Pagkikita"
ni: Levy Tamayao
Si Vicente at Lolita ang magkasintahang may tatlong anak na namumuhay noong panahon ng hapon. Araw-araw sa kanilang buhay ay parang isang pagsubok, yung tipong hindi na makabasag-pinggan ang kanilang mga itsura pagkatapos ng isang araw na nagdaan.
Dumating at nag sagawa ng pangalawang digmaan noong panahon na iyon. kung kaya't ang lahat ay nag aatubiling umalis at magtago upang makaligtas sa digmaang nagaganap. Isang tren ang sinakyan ng pamilya nila vicente at lolita sila ay nagmamadaling sumakay at halos di na magkanda ugaga sa kanilang pagmamadali papa-alis ng ang tren at naiwan si lolita ang inay ng tatlong anak at asawa ni vicente. Di nila alam kung ano ang kanilang gagawin upang balikan at makita muli ang kanilang nawalay na ina.
Ang pamilya ay nakaligtas sa nasabing digmaan at muling bumangon sa mga karahasang nangyari noong nagaganap ang ikalawang digmaan...
Si Maria ang panganay na anak nila Vicente at Lolita ay araw-araw na nagdarasal na muli nilang makasama at masilayan ang kanilang inang nawalay sa kanila. Nakalipas at maraming nagdaan na taon na rin ay hindi parin siya tumutigil na ipagdasal na makasama muli nila ang kanilang ina.
Isang araw sa palengke na punong-puno ng mga tao at halos dikit-dikit ang mga namimili roon. May isang babaeng naka bangga si maria at nahulog ang hawak na bayong niya, tinulungan siya ng babaeng nakabangga sa kanya at ng walang kamalay-malay si maria na ang babaeng iyon ay ang kaniyang nawalay na ina na pala. Di man nila napansin o nakita na sila pala ay mag-ina. Nakita ng isang kaibigan ni Lolita (ang ina nila maria) na ang nakanbangga niya pa lang babae ay ang kanyang panganay na anak at nang nalaman niya ito, ay agad niyang hinabol at nagsisisigaw sa loob ng palengke para lang makasama niya na muli ang kanyang nawalay na pamilya.
Ang hindi alam ni Maria ay araw-araw niyang nakikita ang kanyang ina sa nasabing palengke ngunit dahil maraming taon na rin ang lumipas at bata pa noon si maria nung naganap ang ikalawang digmaan kung kaya't hindi niya nakilala ang kanyang ina.
Nang marinig ni Maria ang sigaw ng kanyang ina ay agad siyang napalingon at tinanung ang babe kung bakit nito alam ang pangalan niya at doon niya sinabi na siya na pala ang ina na naulila dahil sa karahasang nangyari.
Muli ay nagkitakita ang magpapamilya at namuhay nang mapayapa at sama-sama...
John Levy Tamayao..
=>yan na ma'am sorry late ko po napost xD :D
December 29, 2009 at 9:39 PM
December 29, 2009 at 9:41 PM
" Ala - alang kay sakit "
Bumabalik sa ala - ala nang iniwan mo ako
Akala ko tayo na pero iba ang iyong gusto
Binigay ko nmn ang sakripisyo at paghihirap
Ikaw rin ang sumira ng ating mga pangarap
Naaalala mo pa ba nang magkahawak ng kamay
Nakakita ka ng cute guy ako ay dineny
It simply explains, hindi na ito mababalik
Nawala na rin sa isip ko ang yakap mo't halik
At nasaan na ang pagsasamang pinagmalaki
Nang ako ay pinalitan ikaw pa ang nagmalaki
Ang mahagkan kang ulit ay isa na kong ambisyoso
Tingin mo lang sa akin ay isang malaking perwisyo..
Jayvic Plurad
:ma'am sorry sa late post..
January 3, 2010 at 8:12 AM
Mayroon akong kaibigan
Kaibigan din ng marami
Lagi s’yang nasa iyong tabi
Lalo na’t kapag kahirapan
Siya’y lagging nagpapasaya
Dahil ayaw niya ng malungkot
Kaya’t lagi ko s’yang katabi
Lalo na sa aking pagtulog
Siya’y may hugis na parisukat
Nakatira sa isang piña
Siya ang aking bestfriend na si,
Spongebob Squarepants
January 3, 2010 at 4:58 PM
“Ang Kwaderno ay Ako”
Maihahalintulad ko ang aking sarili sa isang kwaderno sapagkat ang buhay ko ay punong-puno ng mga pahina ng kasiyahan, kalungkutan, at samu’t saring mga karanasan na bumubo ng mga yugto ng aking pagkatao. Tulad ng kwaderno ako ay makikitaan ng mga bakas ng pagkakamali at sa paglipas ng panahon ang aking mga pagkakamali ay unti-unting naitutuwid.
Ang mga buradong bahagi ay nagsilbing aral at gabay upang lalo pang linangin ang aking potensyal, abilidad, at pag-uugali; ito ay kumakatawan din ng mga masasaklap kong karanasan na pilit kong tinutuwid at kinakalimutan.
Ako ay isang kwaderno sapagkat habang tumatagal napupuno ito ng mga aral at pagsasanay. Tulad ko na habang lumilipas ang mga araw at taon ay mas nahuhubog ako sa pagiging isang mabuting tao na handang humarap sa anumang hamon ng buhay na nakalaan para sa akin.
Si Charles Vince M. Zorilla tulad ng isang kwaderno bagama’t nagsimula sa wala ay napupuno din ng kaalaman at halaga habang ang mga pahina ay unti-unting nagagamit. Ang mga natala sa kwadernong ito ay magsisilbing inspirasyon ko upang lalong pagbutihin ang bawat araw ng aking buhay.
Vince Zorilla
Filipino- Ms. Arinque
January 4, 2010 at 1:59 AM
Filipino- Ms. Arinque
GUHIT NG PALAD
By: Charles Vince M. Zorilla
Sabi nila’y nasa guhit ng palad
Ang kapalaran ng isang tao.
Paano ang aking kapalaran?
Maari mo ba basahin ang guhit
Na nakaukit sa aking kamay?
Pagpasensyahan mo na ako, anak,
Marumi ang aking kamay.
Kung iyong titignan ito’y may grasa pa
ako’y nagmula pa kasi sa tambakan
naghalukay ako ng lata at plastik
panghapunan ko at ng aking may bahay.
Pagpasensyahan mo na ako, anak,
baka akalain mong guhit ang mga sugat.
Nahagip kasi ng bagyo ang aming tahanan,
Kaya gamit ang mga pira-pirasong kahoy,
Sinubukan kong buuin ang bahay
kahit napuno ng sugat at salubsob ang aking kamay.
Pagpasensyahan mo na ako anak,
nanginginig ang aking kamay.
Matanda na kasi ako, hijo,
nawa mabasa mo pa rin ang kapalarang nakatakda
sa onting panahong nalalabi sa buhay ko…
Nawa kahit sa huling sandali ito’y may kabuluhan pa.